Biography ni jose rizal tagalog description

Why is jose rizal important.

Jose rizal full name

  • Jose rizal siblings
  • Why is jose rizal important
  • Jose rizal death date
  • Life and works of rizal summary
  • Editors’ note: Ang Jose Rizal Tagalog Biography na ito ay mula sa panulat ng awtor na si Prof. Jensen DG. Mañebog. Ito ay buod (summary) ng makulay na buhay ng bayaning Pilipino.

    NAKATALI ANG KANIYANG MGA SIKO sa kaniyang likuran, tinanggihan niya ang tradisyunal na piring at hiniling pa na harapin ang firing squad na tatapos sa kanyang kapalaran sa araw na iyon.

    Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay isinilang noong Hunyo 19, 1861, humigit-kumulang tatlumpung limang (35) taon bago ang makasaysayang araw na iyon.

    Ang ikapito sa labing-isang anak na isinilang sa isang “may kayang”  pamilya sa isang lupang pag-aari ng mga paring Dominikano sa Calamba, Laguna, si Jose Rizal ay nabuhay at namatay noong panahong ang Pilipinas ay kolonya ng Espanya.

    Ang mga Magulang ni Jose Rizal

    Ang ama ni Jose, si Francisco Mercado Rizal, ay isang produktibong magsasaka mula sa Biñan, Laguna.

    (Basahin: Francisco Mercado Rizal: Jose Rizal’s Father)

    Ang kanyang ina n